Kishore Kumar Hits

TUBAW Music Collective - Pasko текст песни

Исполнитель: TUBAW Music Collective

альбом: Pasko


Hindi mo ba napapansin?
Sa t'wing dumarating ang Pasko
Tila nagbabago
Ang lahat sa paligid mo
Kumikislap ang mga ilaw
Makulay na parol ay matatanaw
Mga batang nagkakaroling
Konting barya ang hiling
Lahat ay abala
Iba't ibang paghahanda
Alas-kwatro ng umaga
Simbang gabi ay heto na
Sama-sama sa tuwa
Lumbay saglit na mawawala
Buong baya'y sumisgla
Sa Paskong anong saya
Sana araw-araw ay Pasko
Oh, kay saya ng paligid ko
Sana araw-araw ay Pasko
Maghari nawa pag-ibig sa bawat puso
'Di ba't ang tunay na kahulugan
Ng Paskong inaabangan
Ay pag-aalay ng pag-ibig sa kapwa mo
Tulad ni Hesus na isinilang sa sabsaban
Para sa mga dukha ng sanlibutan
Sana bawat tahanan, masaganang mapagkainan
May pagkapantay-pantay sa buong lipunan
Himig ng katarungan at kapayapaan
Sana'y makamtan ng sambayanan
Sana araw-araw ay Pasko
Nang magliwanag ang bayan ko
Sana araw-araw ay Pasko
Makamtan sana tunay na pagbabago

Kasali ka sa araw ng Pasko
At sa bawat araw sa puso ko
Kasali ka sa araw ng Pasko
Sana araw-araw, gawin nating Pasko
Sana araw-araw, gawin nating Pasko

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители

Calix

Исполнитель

BLKD

Исполнитель