Kishore Kumar Hits

Gary Granada - Tuloy Ang Laban текст песни

Исполнитель: Gary Granada

альбом: Lean, A Filipino Musical


Wala pa ring kasiguruhan
Kaya kailangang-kailangang
Mapasa-atin ang pamahalaan
Sa ngalan ng katahimikan,
Sa ngalan ng kapayapaan,
Gawin ninyo kahit anong paraan
Tuloy ang laban, tuloy ang laban!
Hangga't mga komunista'y naririyan!
Tuloy ang laban, tuloy ang laban!
Tuloy ang laban hanggang magkaubusan!
Krudo't langis nagtataasan
Ang galunggong nagmamahalan
Pangakong Cory ay kabaliktaran
Patalsikin ang mga base
Mga lupa'y ipamahagi
Mandaraya, sinungaling, manlilinlang!
Tuloy ang laban, tuloy ang laban!
Hangga't gobyerno'y para lang sa iilan!
Tuloy ang laban, tuloy ang laban!
Tuloy ang laban para sa sambayanan!
Ubos na ang aking pasensya
Mga rebeldeng komunista,
Huwag na huwag ninyo akong pahiyain
Humanda kayo sa akin
Kaya ko kayong ubusin
Total one, total one, paigtingin!
Tuloy ang laban, tuloy ang laban!
Hangga't mga komunista'y naririyan!
Tuloy ang laban, (tuloy ang laban) tuloy ang laban (tuloy ang laban)!
Tuloy ang laban hanggang magkaubusan!
Hayag na ang tunay na kulay
Sa militar nakasalalay
Pamamahala ng estadong dilaw
'Di hamak na isang aglahi
Kung sa'kin ay mayro'ng mangyari
Ngayon pang may demokrasya na raw
Tuloy ang laban, tuloy ang laban!
Hangga't gobyerno'y para lang sa iilan!
Sa welgang bayan, sa welgang bayan!
Tuloy ang laban para sa sambayanan!
Tuloy ang laban hanggang magkaubusan!
Tuloy ang laban para sa sambayanan!
Tuloy ang laban!
Tuloy ang laban!

Поcмотреть все песни артиста

Другие альбомы исполнителя

Похожие исполнители

Asin

Исполнитель