Sabi nga n'ya, "Sana ang buhay laging tama o mali At ang katanunga'y simpleng oo o hindi" Kung gano'n dalangin kong ikaw ay mamalagi Sa pinakatangi mong pinakamimithi ♪ Ngunit, pa'no kung ang hinahanap mong ligaya Ay nagkataong nalaman mong naro'n pala Sa magkabilang mundong magsinghalaga sa 'yo? Pa'no ba mananatiling totoo? Ang galak at dalamhati ay paano hahatiin? At paano ka pipili kung wala kang pipiliin? Ano ang gagawin ng pusong 'di mapagbigyan? Ang magkatunggaling pangako at pakiramdam May isang paruparong paroroo't paririyan Sa pagitan ng ngayon at kailanman ♪ Pa'no ka magpapasya? Pa'no mo mapagkasya? Pa'no ba mapag-isa ang isa't isa? Kung isang araw magtalo ang panata't panaginip At ang iisa mong puso, minsan ay magdal'wang-isip Sa kalagitnaan ng pag-asa't pag-asam Sa dulo't bungad ng pinagtagpo, natagpuan Ibig kong alamin kung ang pag-ibig, may puwang Sa pagitan ng ngayon at kailanman Ano ang sukatan? Alin nga ba ang mas mabigat Sa isang sugatan, ang tunay ba o ang nararapat? Kung isang araw maghalo ang panata't panaginip At ang iisa mong puso, minsan ay magdal'wang-isip Sa kalagitnaan ng pag-asa't pag-asam Sa dulo't bungad ng pinagtagpo, natagpuan Ibig kong alamin kung ang pag-ibig, may puwang Sa pagitan ng ngayon at kailanman Ano ang gagawin ng puso kong nahihibang Na nalilibang, na naggigibang naninimbang Sa pagitan ng ngayon at kailanman?