Ang pag gunita sa... Ako nga pala si KJAH Kasama ko dito ang aking kaibigan at Meron lang kaming gusto ikwento Pakinggan niyo to 1 (KJah): Kamusta na meron na daw bang pagbabago Oo pinapakinggan na tayo ng tao Hindi na tulad dating ang panauhin ay hangin Binibigkas sa kalawakan ang ating pasanin Gusto nating marinig di ba Pinangarap minsan ang ka grupo'y kumalas Sumuko, lumisan, ikaw ang natira Nagpakita ka ng tibay at mga nasa paligid mong Hindi naniniwalang may taglay kang husay Pinag aralang huminga sunod-sunod na pag buga Tuwang-tuwa ka pag dating mo ay ang dami nila Nang ikaw ang sumampa para mag alay ng tula Nagsilabasan nawala, nadismaya, at namutla Di ka nag pa daig sa kaba itinuloy mo ang pagpapasiklab ng kanta Sa pagbaba mo may bumati iyong napa mangha Interesado sa iyong likha at ang pangalan niya ay Kiko Muling nagbabalik Muling nagbabalik Muling nagbabalik Muling nagbabalik Ang pag gunita sa Ang pag gunita sa Ang pag gunita sa iyo Muling nagbabalik Muling nagbabalik Muling nagbabalik ang pag tangkilik nila 2 (BLKD): Buong buhay kang tapat na taga hanga Taga subaybay ng mga gawa ng mga tala Ang kanilang galing naging halimbawa Natutong kalagan angking talinhaga Nahasa nang naging abot hakbang ang entablado Pagod panahon pagka't tao ay tinaya mo Laksang barang pandurog ng binuo mo Hanggang sa makahanay mo na ang mga idolo mo Bako-bako liko-liko ang landas pataas Sa pag kaka bugbog na katas sa lakas Kaya't paninindigan sa talino'y natanganan Sa tanghalan tadtad nang tamad na talastasan Ngayon may pamana ka nang dapat ipagpugay Mga handog mong aral dapat isa buhay Hindi pangarap na taga hanga'y magdasaan Kundi ang gumabay sa mga bagong hahangaan 3 (KJah): Mga papuri na masarap pakinggan Hanggang kailan may hangganan ang lahat walang magpakailanman Wag kang manirahan sa ilusyon hindi mo masasama sa kabila Gano man kamahal ang iyong koleksyon May bagay na mamamalagi Ang tangi mong pag aari ito ang pinagpaguran Pinilit mong mangyari sabi nila'y di maari Walang potensiyal umani sa mata nang karamihan Nag mistula ka 'sang hari Ang gustong iparating ay nandirito na Tapos na ang kompitensya ng pakiki una Sunod na suliranin ay paano mo ba panghahawakan Ang premyo't hindi mawawala Kung ang naisip mong hakbang ay medyo alanganin Ikansela ang lakad makinig na muna samin Di hahayaang tuluyang tumamlay Ingatan natin ang ating tagumpay Kampay