Intro (Batas): Yeah kami ay nagbabalik At sa lahat nang hindi nakakakilala Ang pangalan ko ay Batas Pero pwede niyo kong tawagin panginoon Yo, binanat daw sakin talento pero para syang sumpa Parang komedyante na tanyag dahil sa pangit ng mukha Tipong henyong di nag-aral kase pamilya niya'y dukha Ganun ang pakiramdam ko sa husay ko sa pag tugma Bakit ... kasi tae ang aking paligid Bawat pag-angat ko dumadami talangka sa gilid At sinapit ko ay lait para wala akong anihin Kanya-kanyang hatakan pababa para bang pabitin Goriong Talas: Armas ba o kahinaan ano nga ba ang totoo Parang pag pili sa dalawa puta nakakalito At tila bang napipigilan pasulong kong takbo Ngunit diretso lang baliktad man ang ikot nang mundo Nag kalat man ang mga ebak pagbagtas sa daan matarik Humawak sa sanga't ugat kahit kamay ay matinik Isa lang naman ang buhay at pinili ko na maghasik Kahit mismo si Pedro Penduko di na makakabalik Nadampian ng hangin at hamog ay nabagabag Napag alamang mas malutong pag tumunog ang kinalawang Di nahubog nag muka pang tumirik sa kahapon Pero di nag ka ganun ngayon sinong makiki-ayon Lang ang buo ay mabuo kailangan na wasakin Ako bang pupunta sayo o ikaw ang bababa sa akin At malaya kang pumili ng landas patutunguhan Dinisenyo ko nang patas ang mga pag pipilian Pagtapak sa tuktok ay napatag ang bundok Tuloy sa pag tugtugan 'gang kami hindi sunog Saan kaya patungo ang landas na ito... Kahit saang pook na hindi abot ng tunog Tuloy sa pag tugtugan hanggang kami hindi Sunog San kaya patungo ang landas na to... Nabulabog, nagambala ng serpiente na sumipol May matibay daw na sungay at walang maka tutol Sinubok ko ang tunay na biglang may umungol Nung tinangka kong baliin leeg yung naputol Wala sa ayos kumilos walang pinag bago Bara-bara sumakto aksidente sadya ko Hindi pag babanta to mas angkop iwas salto Sa oras ko ito nawa'y magawa ko nang wasto Armas ko ay mga titik para lahat ay matahimik Pagdurusa makukuha niyo kayo'y biglang alipin Kada bara bawat himig ko gulungan pag narinig May pang miryenda dahil sa tenga niyo na parang sisig Kaya sarili ko lang ang sinunod ko na batas Mas mababa inapakan para lang sa pag taas Salita niyo matalas kalmot lang dein nakakalaslas Dahil ang di nakamamatay lalo nag papalakas Goriong Talas: Sobrang burat nako sa pila, pagod na sa pag abang Sabihin mang usad pagong ngunit higante ang hakbang Mga akdang pina anghang upang maglaho ang tabang Tinig kong namumunti na tonelada ang timbang Kaya simulan mo nang basahin orbitwaryong nalathala Na marami na ang napatay tila maling akala na Nag anyong tao na ang mga bara malabanan na Di maiilagan kahit nang mga bathala pa Goriong Talas: Kaya tuloy lamang sa byaheng to kailan man di hihinto Di kinakalawang na parang dyamante at ginto Hindi papasunog sa pansitan di natulog Lahat ay dinudurog perpekto man ang hubog Itong landas na iniirog na may konting libog Apoy ang minumumog kum kain nang bubog Illustrado ang grupo ko walang labasan ng pinto Lirikal pangil ang baon natural sagad sa bungo Tapos sa simula nag umpisa sa pang wakas Tila binuklat sa likod aklat binasa pataas At hinasa palakol para igawad sa huwad Kung kayo tiga hasa ako tiga tupad Kaya kung may pakpak lipad Kung may hasang langoy Kung may paa takbo, iwas sa apoy Ang kaso hugis ng mundo'y tila Tula na nagsasabing pabalik ka kung saan ka nag mula Pagpalain sana ang lahat ng nangungutya sa akin Pag palain parang karpintero parang may tindang buhangin Ama namin bulong ninyo pero ugali ang papangit Kaya laging sawi sa buhay na parang may balakid bro Eh may iba bawat awit di ko kailangan ng kapit Ikalabing apat nang Pebrero kasi puso ang nanaig ngayon Bawat isa tungo itsura nang nanalangin Kaya biglang napasubo parang kanin sa tabain San kaya patungo ang landas na to...