Kulang ang pag-ibig ko sa Iyo, Kung pagluhod at aking paglapit sa Iyo— Ang bawat kong Aleluya, ang lahat ng alay ko at pagsamba Ay walang halaga. Hindi sapat ang aking awitin Upang purihin Ka at sambahin Ang lahat nitong pasakit, ang lahat nitong mabuti kong gawa Ay walang halaga. Dahil di ko kayang tumbasan Ang Iyong pagmamahal sa akin— Ni wala ako sa kalingkingan ng Iyong pagmamahal; Dahil buhay ang inalay Mo Upang makamit ko rin ang buhay, Hindi ko kayang tumbasan Ang Iyong pagmamahal. Wala akong magagawa Liban sa Iyo ako'y wala Hindi ko kayang pantayan Ang Iyong pagmamahal. Dahil di ko kayang tumbasan Ang Iyong pagmamahal sa akin— Ni wala ako sa kalingkingan ng Iyong pagmamahal; Dahil buhay ang inalay Mo Upang makamit ko rin ang buhay, Hindi ko kayang tumbasan Pag-ibig Mong inilaan; Ang buhay na walang hanggan— Ang Iyong pagmamahal.