Ipikit ang mga mata, halika na't dadalhin kita
Sa dulo ng bahaghari
Oh, ipikit ang mga mata at 'wag nang mag-alinlangan pa
Nandito ako sa 'yong tabi
Halika na't tayo'y aalis sa mundong mapait
Oh, halika na, 'wag mag-alala
Oh, aking sinta, isasayaw kita sa dulo ng bahaghari
Imulat ang mga mata, hindi ginto ang aking nakita
Kundi ikaw, ikaw, ikaw, ang kayamanan ko
Talikuran natin ang mundo, magtiwala sa sinabi kong
Ikaw ay mamahalin
Hanggang sa dulo (oh, aking bahaghari), oh-oh-oh-oh-oh
Oh, halika na, kahit 'di marunong, 'wag mag-alala
Oh, aking sinta, isasayaw kita
Kapag dumilim ang paligid mo, ako'y magiging ilaw mo
At itutuloy ang pagsayaw, sasamahan kang gumalaw
At kung pagod na at 'di na kaya
Sasamahan kang magpahinga
♪
Oh, halika na (oh, halika na)
Oh, aking sinta (oh, aking sinta, aking sinta)
Isasayaw kita sa dulo ng bahaghari
Oh, ikaw ang kayamanan ko, ang kasama hanggang dulo
Paraluman, oh, aking mundo, oh-oh-oh, oh-oh-oh
Aking bahaghari
Oh-oh, oh, ikaw ang kayamanan ko, ang kasama hanggang dulo
Paraluman, oh, aking mundo, oh-oh-oh, oh-oh-oh
Halika na, oh, aking bahaghari
Oh, ikaw ang kayamanan ko, ang kasama hanggang dulo
Paraluman, oh, aking mundo, oh-oh-oh, oh-oh-oh
Halika na, oh, aking...
Поcмотреть все песни артиста