Ooh, itutuloy pa ba ang nasimulan
O dahan-dahan nang bibitawan ang ugnayan?
Unti-unti na ring nanlalamig at iba na ang 'yong hilig
'Di na 'ata 'to pag-ibig kung iba na ang hinihiling
Ba't kasi puro parinigan? "Pirmi lang ginapabayaan"
'Di na nagkakaintindihan
Nawawala na ang tiwala ko, 'dI na alam kung ano'ng totoo
Pagdating sa iyo, galaw ay kontrolado
Pinakita ang mga banderang kasingpula
Ng mga rosas na binigay sa kanya
Akala ko'y kuntento ka, aba, 'di pala, pasensiya na
Oh, tama na, kailangan ding magpahinga
Ooh, ikaw ang piniling maging tala
Sa buong kalawakan, ba't ikaw lang ang nakita?
Ilang beses nang tumatanggi, ba't mo ba 'ko pinipilit?
'Di na talaga pag-ibig kung iba na ang hinihiling
Ba't iba na ang 'yong pagtingin? Minumulto't 'di namamansin
'Di na masaya kung tutuusin
Nawawala na ang tiwala ko, 'di na alam kung ano'ng balak mo
Pagdating sa iyo, galaw ay kontrolado
Pinakita ang mga banderang kasingpula
Ng mga rosas na binigay sa kanya
'Di alam kung ba't naging bulag sa kulay
Luntian ang nakikita't 'di pula
Akala ko'y kuntento ka, aba, 'di pala, pasensiya na
Oh, tama na, alam ko'y talo na
Hindi alam kung ba't naging uto-uto ako
Paruparong sumasali sa larong 'to
♪
Ginawa naman ang lahat, hindi pa ba sapat?
Ano pa ba ang kulang? Pakiusap lang
'Di na ikaw, ikaw, ikaw ang nakilala ko
Ooh-ooh, ooh-ooh-ooh, ooh
Pinakita ang mga banderang kasingpula
Ng mga rosas na binigay sa kanya
Hindi alam kung ba't naging uto-uto ako
Paruparong sumasali sa larong 'to
Hindi alam kung ba't naging bulag sa kulay
Luntian ang nakikita't 'di pula
Akala ko'y kuntento ka, aba, 'di pala, pasensiya na
Oh, tama na, kailangan ding magpahinga
Pa, pahuway, hay
Pa, pahuway, hay
Поcмотреть все песни артиста