'Di ka na maalis sa isip ko, palagi na lang 'Di ka na maalis sa- 'Di ka na maalis sa isip, lagi na lang Lagi na lagi na lagi na lang 'Di ka na maalis sa isipan ko, palagi na lang Araw-gabi ka nang pabalik-balik Ang dahilan ay hindi ko rin alam Paikot-ikot ka't nakakahilo Bakit ba hindi mo ako tantanan? Hirap nang kumain, hirap nang matulog Lagi na lang natitig sa kawalan At 'di na alam ang gagawin Umiiyak, nakaharap sa basag na salamin Akala ko'y langit, ayo'n pala'y bubog na matalim Hindi mo alam na dahil sa 'yo ngayon ako ay naaaning Sana hindi maging kagaya mo na walang pakiramdam Mangangako tapos 'di tutuparin Sabi mo pa, "Walang iwanan, walang ibahan ng numero" Nako, nahuli ko'ng kalokohan mo ta's dedma na lang Pero ikaw 'tong lumiko, lumayo, umalis Namaalam nang walang dahilan (yeah) 'Di ka na maalis sa isipan ko palagi na lang Araw-gabi ka nang pabalik-balik Ang dahilan ay hindi ko rin alam Paikot-ikot ka't nakakahilo Bakit ba hindi mo ako tantanan? Hirap nang kumain, hirap nang matulog Lagi na lang natitig sa kawalan 'Kala ko madali lang makalimutan ka Pero parang lagi na lang mayro'ng kulang pa Laging hinahanap, laging nakatulala Laging nananaginip nang gising Bulalakaw ang hinahanap para maalis sa Kasinungalingan na babalik ka Hirap paniwalaan na darating pa 'Yong panahon na sa 'kin muling hahalik ka Kinabahan no'ng unang linggo Na hindi ka tumawag (hindi ka tumawag) Pinagsaraduhan ako ng pinto Sana 'di na 'ko lumakad ('di na, 'di na, 'di na) Sana 'di na 'ko pumayag No'ng sinabi mo sa 'kin na balak mo 'kong alisan Ngayon nanghihinayang na't hindi mapakali Andaming pinagsisisihan 'Di ka na maalis sa isipan ko, palagi na lang Araw-gabi ka nang pabalik-balik Ang dahilan ay hindi ko rin alam Paikot-ikot ka't nakakahilo Bakit ba hindi mo ako tantanan? Hirap nang kumain, hirap nang matulog Lagi na lang natitig sa kawalan 'Di ka na maalis sa isipan ko, palagi na lang Araw-gabi ka nang pabalik-balik Ang dahilan ay hindi ko rin alam Paikot-ikot ka't nakakahilo Bakit ba hindi mo ako tantanan? Hirap nang kumain, hirap nang matulog Lagi na lang natitig sa kawalan